Pangungulila

15 0 0
                                    

Sa buhay ng tao'y di nawawala ang pagmamahalan,
Sa pamilya, karelasyon man o kaibigan,
Sila ang nagiging inspirasyon,
Nagbibigyan ng ngiti sa ating labi sa panahon ng depresyon.

Ngunit ang tadhana ay malupit,
Di namamawala ang away upang tayo'y magalit,
At ang ating puso'y makaramdam ng sakit,
Ang masaklam mayroon pang pait.

Kung gaano kasaya noon,
Ganoon din ang timbang ng lungkot ngayon,
Kung kailan nawala sila,
Kung kailan 'di na sila karamay tuwing may lungkot at saya.

Galit man o puot ang ating nararamdaman,
Hindi naman mawala-wala ang alaala noong nakaraan,
Gayunpaman, kailangan nating tanggapin,
Ang mga taong naging bahagi ng ating pagkatao,
Hindi mawawala sa ating puso.
Kaya't nangungulila kahit galit,
Sapagkat naghilom na ang sakit,
Hinahanap ang karakter niya sa iba,
Ngunit kahit anuman gawin di natin makikita.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon