Ang buwan at araw ay biglang nagtagpo,
Nang dahil sa dalawang puso.
Masasabi bang ito'y kapalaran?
O, baka naman naligaw sila ng daan?Habang ang mundo'y umiikot,
Nakakaramdam ito ng pag-iimbot.
Nalilito sa kanan ba o sa kaliwa?
Sabik na sa mga tala.May pumipigil na enerhiya,
Lakas na nagmumula sa dalawa.
Ang nais ay tumigil ang oras,
Upang ang panaho'y di na lumipas.Apektado na ang kalawakan,
Dahil sa dalawang pusong nagmamahalan.
Hindi nila alintana,
Kung anuman ang kanilang ginagawa.Mga pusong kahit ano'y susuungin,
Mapatunayan lang ang kanilang damdamin.
Kahit ang tubig ay tatawirin,
Ang apoy ay kayang sunugin,
Ang tinik ay handang lakarin,
Lahat ay kakayaning gawin.
Wala sa bukabularyo nila ang salitang UMAASA,
Sapagkat sila ang gagawa ng buhay nila.Hindi naman masama ang magmahal ng wagas.
Huwag lang tayong sa TAMA ay tumakas.
Hayaan nating si BATHALA ang magdesisyon.
Huwag tayong gumawa ng sarili nating aksyon.
Lalo na kung nadadamay na ang buhay ng iba,
Tulad ng kalangitang pinakialaman nila.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading