Labis akong ngungulila sa paghahabi ng mga tula,
Isang bagay na aking karaniwang ginagawa.
Sinubukan kong pag-aralan ang paggawa ng istorya,
Isang hamon na wati ko'y 'di ko makakaya.Ano nga ba ang tula at istorya?
'Di ko matimbang ang pagkakaiba nila.
Kung sa umpisa'y nag-aalinlangan,
Maging matagumpay kaya ako sa gano'ng larangan?Saan ko huhugutin ang aking inspirasiyon?
Maaari bang sa mga nakaraang matagal nang nakabaon?
Ang pagiging makata ang aking istilo,
Bagay na tumatak sa puso ng bawat tao.Mahirap baguhin ang nakasanayang porte,
'Di kakayaning ipahiram, ni konti nitong parte.
Lalo na kung ito ang iyong naging buhay,
At sa paligid mo'y naghatid ng kulay.Sakim na kung sakim!
Ngunit, 'di mababagong puso ko'y roon lumilim.
Magaling ka raw kung lahat ay iyong kaya,
Ngunit, 'di ko pipilitin kung 'di para sa akin, talaga.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading