Nakatatak na Alaala

16 0 0
                                    

Kapag nagmahal ka dapat handa ka,
Sa mga mangyayari bukas-makalawa.
Sapagkat sa pag-ibig ang pagsubok ay di mawawala,
Ito'y isang paraan ng pagsala,
Kung gaano n'yo kamahal ang isa't isa,
At kung paano kapag ang isa'y nawala.

Kung siya'y hindi naging totoo,
Patawarin mo at huwag ibaon sa limot ang mga alaala n'yo.
Sapakat maaaring mabura sa isapan,
Ngunit hindi sa pusong may tatak ng inyong nakaraan.

Hindi ka perpekto, upang hindi magpatawad,
Isa sa mga Itinuro't sa Bibliya'y nakasaad,
Kung siya'y nagkamali,
Ikaw ba ay hindi?

Itanong mo sa 'yong sarili kung bakit niya nagawa,
Alalahanin mo ang mga nabitawan mong salita,
Kung may pangyayaring 'di naman dapat,
Na maaaring naging sanhi ng pagiging 'di niya tapat.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon