Sistema ng Tunay na Makata

40 0 0
                                    

#GuerraLiterariaAngPagdanakNgTinta
Buwanang Laban: Hunyo
Kategorya: Tula
Pamagat ng Akda: Sistema ng Tunay na Makata
May-akda: Dheekhaye Borja
Akda (lahok)

I

Atensyon mo'y napukaw,
Ningning sa mga mata'y umapaw,
Nang minsang nasilayan mo ang paggawa,
Naaliw sa mga magkakatunog na linya,
At inspirasyong hatid ng diwa.

II

Pinangarap na maging manunulat,
Pag-aaralan, kahit sa pera ay salat.
Gagawin ang lahat upang iyong maabot,
Lalampasan ang mga iniidolo,
Sa bawat dako ng mundo.

III

Pagsisikapang makabuo,
Nang mga tulang puno ng inspirasyon,
Maghahatid ng kaalaman sa bawat mambabasa,
Sisiguraduhing ang lahat ay 'di patapon,
Bagkus ay puno ng mga aksyon.

IV

Sa paglalakbay...
May pagsubok na matitisod,
Sa bawat daraanan siguradong may mapupudpod,
Ngunit lahat ay kakayaning gawin,
Sa pangarap lahat ay susuungin.

V

Naging matagumpay...
Sa wakas suot mo na ang iyong medalya,
Mga nababalot na tanong noon sa isipan,
Ngayon ay mayroon nang kasagutan,
Handa ka na sa kinabukasan.

VI

Nagtiwala sa sarili...
Sinubukang pumasok,
Sa mundong nagbukas para sa mga bagong manunulat,
Natupad na ang iyong pangarap,
Para kang nasa ulap.

VII

Sumikat...
'Di nagtagal ay nagtagumpay,
Inidulo ka ng mga bagong manunulat.
Iba't ibang uri ay kaya mong isulat,
Libro mo na ay nakakalat.

VIII

Nagmataas...
Halos 'di ka na maabot,
Yaong pirma lamang ay ipinagdadamot,
Parang 'di nanggaling sa anino,
Akala mo ka na kung sino.

IX

Bumagsak...
Mundo ay bilog,
Parang eksena sa iyong mga akda,
Kung may taas, may baba,
Lahat ay nagbabago.

X

Bumangon...
Ngayon nawari mo na,
Ang sistema ng isang "Tunay na Makata."
Kaya't huwag maging mapagmataas,
Upang hindi malihis ng landas.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon