Madilim kong nakaraa'y halos nalimot ko na,
Luha ng kahapo'y nakangiti na nganon,
Mapait na alaaya'y kaya ko nang itapon,
Salamat sa pagsagot sa dalangin ko noon,
Hindi na ako sawi, kaya ko nang ngumiti.Mga bituin sa alapaap ay halos nabibilang ko na,
Hindi ko na kailangan ang bulalakaw na hihintayin pa.
Anu't anuman ang sagot, ukol sa kapalaran,
Hindi ko na kailangan, sapagkat napatunayan ko na 'yan.Ang noong panaginip ay nagkatotoo na,
Hindi ko na kailangang yakapin ang unan na parang desperada.
Kung sakali'y dahil sa idulot ng 'di mapatid na ligaya,
Habang natatanaw ko ang bukas kasama siya.Simple't hindi perpekto, ngunit minahal ko,
Ganoon pala 'yon magulo, bagama'y totoo,
Na sa pagmamahal ay walang pinipili,
Kapag tinamaan ka, ika'y masasawi,
Sapagkat sa tamang panahon, diyan ka mapupunta sa langit ng ligaya.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading