Talento'y Hindi Namamatay

24 0 0
                                    

Nang dahil sa pait,
Kinailangang mamahinga saglit,
Hindi naman ibig sabihi'y bibitaw,
Bukas... makalawa... muling magbabalik-tanaw,
Sapagkat kung ito'y nasa puso mo,
Siguradong hahanap-hanapin mo ito.

Ang pait ay may kuwento,
May dahilan ang sanhi ng 'yong pagbabago,
Sugat ay kailangan munang paghilumin,
Upang magkaroon ng saysay ang yugto na 'yong bubuuin.

Isipan ay 'di matitigang,
Kahit pa ilang beses mo itong iwan ng pahalang,
Sapagkat hindi ito mahihimlay,
Walang talentong namamatay.

Kapag ika'y handa na,
Pulutin mo ang papel at panulat na may tinta,
Humanap ka ng inspirasyon,
At sa pagsusulat ika'y muling bumangon.



Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon