Kasama mo sila habang ika'y sumisibol,
Malayo man sa kanila, kumunikasyo'y 'di napuputol,
Pagmamahal nila'y damang-dama,
Walang bakas ng pagdududa.Hanggang isang araw may 'di inaasahan,
Pagsubok sa buhay mo'y kailangang dumaan,
Nalampasan mo ito kahit wala sila,
Kinaya mo nang ikaw lang mag-isaNgayon ika'y nagtatanong kung bakit?
Sapagkat nararamdaman mo'y kay sakit.
Ano bang nangyari bakit tila ika'y iniwan?
Bakit kung susumahin, parang ika'y pinabayaan?Nang dahil sa pinagdaanan nasubok ang samahan,
Kung gaano katatag ang pisi, at nito'y hangganan.
Kailangan bang magtanim ng poot?
O, unawain na lamang nang wala ng gusot?©️Dheekhaye Borja
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading