Mula sa malikhaing kamay ng Maykapal,
Nalikha ang kalikasang pangangalaga'y kakambal.
Naglalaman ng mga pangangailangan,
Kaya't dapat nating pahalagahan.Mga uri nito'y ating alamin,
Gubat, dagat, langit, lupa at hangin.
Ilan sa mga elementong nararapat isa diwa,
Upang maiwasang mali ay magawa.Isang paraan ang kalinisan...
Kailangang manaliti ang matatag na pundasyon,
Sapagkat may hangganan ang bawat maling aksyon.
Gaano man kahaba ang pisi'y napuputol din,
Gaya ng pasensya ng mga ito sa atin.Epekto ng pang-aabuso'y malupit,
Kay hirap tanggapin nang magiging kapalit.
Lalo na kung masisira yaong mga pinaghirapan,
Taon ang inilaan upang makamtan.
Gayumpaman ang magalit ay wala tayong karapatan,
Sapagkat naging patas ang hatol sa ating kalupitan.Tayo'y magsumikap, upang nawala'y mabawi,
Magsilbing leksyon ang karanasang may ngiwi.
Humingi ng kapatawaran mula sa puso't isipan,
Upang 'di maulit ang masalimuot na karasanan.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading