Busilak na Panulat

111 1 0
                                    

Tulang mula sa busilak na kalooban,
Hindi pinag-iisipan.
Kusang lumalabas,
Isinusulat man o binibigkas.

Mula sa mahiwagang panulat,
Salita'y narito't inyong masasalat.
Bawat letra'y hindi nagmumula sa malikhaing isipan,
Galing sa pusong nagsusumamo't nahihirapan.

Kritikal na kondisyon sa loob ng iba't ibang bayan,
Mga inosenteng biktima'y ating kariktan.
Tanging hinihiling ay pinakamalakas na sandata,
Nagmumula sa bawa't labi na ngayon ito'y nababasa.

Sana'y huwag ipagdamot ang simpleng kahilingan,
Ito'y makakatulong
upang luha'y mapunasan.
Kaligtasan ng bawat isa ang ngayo'y dalangin,
Nawa'y hanggang do'n na lang ang banderang kanilang itinanim.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon