Nais kong tumula, ngunit walang masagap ni isang salita,
Hindi tulad nilang ang nalikha'y kay haba.
Nais kong magpahayag ng damdamin,
Ngunit ang tanong, ano ito't paano sisimulang gawin.Nais kong magpasaya't magbigay ng inspirasyon,
Ngunit saan kukunin -- doon ba sa kahapon?
Wala ni isang mayroon ang ngayon,
Kaya't sa pagsisimula'y 'di maaninag kung saan itutuon.Nais kong maglimbag nang may punong diwa,
Isang obrang masasabing, sa akin nagmula.
May iisang istilong kakikilanlan ko,
Tipong 'di gaya sa kahit sinong iniidulo.Nais kong maging makatang 'di man tinitingala,
Ang mahalaga'y may masasabing likha.
Hindi man makilala't magkaroon ng libro,
Ang mahalaga'y may nabuo ako.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading