Inabandunang Tanghalan

2 0 0
                                    

Lugar na itinuri ko nang tahanan,
Ngayon na'y nasaan?
Di ko na mawari yaring kagandahan,
Na sa aki'y umakit, ilang taon na ang nagdaan.

Kay lamig ng hangin animoy nasa tabing dagat,
Di mawari kung paano ang mata'y imumulat,
Kay dilim ng kalangitan, maliwanag naman ang buwan,
May mga bituin pa ngang nagkikislapan.

Doon ko unang inilantad angkin kong talento,
Naranasan kong palakpakan ng mga tao,
Kay sarap balikan ng nakaraan,
Kung saan pagtatanghal, aking naranasan.

Ano na nga ba ang nangyari sa tanghalang tinitingala,
Na noo'y tinatangkilik at 'di binabaliwala,
"Naway may pag-asa pang ito'y mabuo,"
Tanging Dasal ko mula sa aking puso.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon