Bagong Kapalaran

41 0 0
                                    

Masalimuot na nakaraa'y iiwanan,
Gagawa ng Bagong Kapalaran.
Mga alaala niya'y kalilimutan,
Ibabaon ko kahit saan.
Sisiguraduhin kong wala ng luhang papatak,
Bagkos ay mga ngiti lang at halakhak.

Hindi man perpekto ang buhay,
May Daan upang ito'y maging makulay.
Lilingon ako sa aking nakaraan,
At susundin ang Opsyong pinagpilian,
Lalabanan ko ang paghikbi ng labi,
Kalilimutan kong ako'y sawi.

Kakayanin ko kahit siya'y nawala,
Patutunayan kong lahat ay aking magagawa.
Sapagkat siya'y hindi inspirasyon,
Sa katunaya'y desperasyon.
Nasa huli ang pagsisisi,
Gayunpaman, may mga leksyong nagsilbi.

Mga pangarap ko'y makakamit,
Na may mga medalyang nakasabit,
May mga tropeyo't plaka,
Sasamahan ko pa ng korona.
Iaalay ko sa mga tunay at karapat-dapat,
At nagmamahal sa akin ng tapat.

Mapaglarong tadhana ay aking kakalabanin,
Hindi ko na kailangang humiling sa mga bulalakaw at bituin.
Sapat na ang Dasal sa ating Panginoon,
Na naging dahilan ng aking pag-ahon.
Bukod sa tapang mula sa mga natutunan,
Siya ang Opsyon at Daan.
Mga pangako ko'y hindi mapapako,
Patutunayan ko saan man ako magdako.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon