Kanlungan

35 0 0
                                    

Collaboration
Dheekhaye Borja
Tonn Villeza Marco I

Pangako sa iyo aking kaibigan,
Ika'y iingatan hanggang kamatayan.
Balikat ko'y nakahanda tuwing ika'y hihikbi,
Di ko hahayan na laging kang sawi.

Kung ika'y alipin nitong kapalaran,
Ako'y tawagin mo hangad kang damayan.
Luha ng karimlan sa umaga man o sa gabi,
Handa kong pahirin, panyo ko ang magsisilbi.

Mga kasiyahan na pinagsamahan
Sa ating gunita hindi matumbasan
Galak sa aking puso'y di mabibili
Kung sa tagumpay ko'y ikaw ang saksi.

Kaibigan! Kaibigan ang aking kanlungan,
Sa pangungulila nitong kapalaran.
Nasusuong ang problema ng may ngiti,
Di ka man perpekto, ngunit natatangi.

Mahal kong kaibigan laging iingatan,
Mga pangaral mo ay aking kanlungan.
Hindi basehan ang tama at ang mali,
Basta galing sa puso iyon ang magwawagi.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon