Ikaw ang pinili nitong puso ko,
Ang labo, ang mga hinahanap ko'y wala naman sa 'yo.
Aksidente lang ba ang ating pagtatagpo?
O, mismong tadhana ang naging tulay sa ating pagsuyo?Pagmamahal na nadarama'y 'di ko masukat,
Binuo mong muli ang pusong kong salat,
Nabigyan ng pag-asa habang nanlulumo,
Sagot ka sa dasal ng kabaliwang pagsusumamo.Ikaw ang bumubuo sa araw ko,
Nakakatunaw ang titig ng mga mata mo,
Ngiti mo'y nakakahawa, buhay ko'y sumisigla,
Ikaw ang inspirasyon sa muling paninimula.Ka'y hirap muling sumugal sa pag-ibig,
Lalo na kung paulit-ulit kang natatalo sa bawat pag-uusig,
Gayunpaman sa kaso mo, malakas ang laban ko,
Ramdam kong bawat salita at pangako mo'y totoo,
Hindi na ako muling masasadlak sa pagkatalo,
Ikaw ang ikukulong ko sa rehas ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading