Sino sa Kanila?

49 0 0
                                    

Nasa tabi mo lang 'di mo pinapansin,
Sa kalayuan, doon ka nakatingin.
Atensyon mo'y hindi niya makuha,
Wala ka nang inisip kun'di iyong isa.

Kung ika'y magbabalik-tanaw,
Hindi ba't siya lang at walang kaagaw?
Mumunting mga salita mula sa kaniyang tinig,
Walang anu-ano'y bigla kang kinilig.

Sa simple niyang porma'y doon ka nahalina,
Hindi astig, ngunit nabihag ka niya.
Tinanong mo ang iyong sarili "Paano ako nakapasa?"
Pag-ibig mo'y binigyan niya ng pag-asa.

Naging kayo sa mahabang panahon,
Pag-ibig ang naghahari na malalim pa sa balon.
Kahit sino'y walang makatibag,
Sinubukan nila, ngunit nagmukha lang silang bangag.

May nagbago minsan sa buhay niyo,
Hindi mawari, ano, bakit, kailan, saan at paano.
Nawala ang himig sa iyong lambing,
Sa kaniya'y nanlamig at puso'y nahimbing.

Anong nangyari sino ba ang lalaking 'yan?
Matikas, mayaman, gwapo ngunit talino'y walang-wala naman.
Hindi ka naman pinapansin,
Ngunit sa kanya ika'y naroon parin.

Nadiyan ang tunay mong mahal,
Ang taong ibinigay sa iyo ng Maykapal.
Ang lalaking pinana ni kupido,
Nilaan sa habang buhay mo.

Gumising ka't huwag magbulagbulagan,
Subukan mong balikan ang iyong nakaraan.
Timbangin mo ang noon at kasalukuyan,
Huwag kang padalos-dalos kung ayaw mong may pagsisihan.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon