Kapit Lang

61 0 0
                                    

Noong una kitang nakita,
Puso ko'y nabihag mo na.
Nakakaaliw mong ngiti, sa puso ko'y bumihag,
'Di ko malaman, ano ba ang aking naaninag.
Ang blanko kong isipan, nagkaroon ng laman
Ang puso kong sugatan, nagkaroon ng Magpakaylanman.

Ang tanging nais ko ay mapansin mo,
Kahit nariyan ang mga guwapo at mayayamang manliligaw mo.
Sino ba naman ako?
Isang hamak lamang na humahanga sa iyo.

May pag-asa ba ang salitang "Tayo?"
Maririnig ko kaya ang sagot na "Oo?"
Magkakaroon kaya ako ng lakas ng loob?
Kung ang nararamdaman ko'y, puro kutob?
Nang dahil sa 'yo buhay ko'y nagkaroon ng direksyon,
Inaaral ko na ang aming mga leksyon.

Bukas-makalawa maha-harana rin kita,
Sa araw ng mga puso tsokolate't bulaklak, maibibigay ko na.
Kamay mo'y mahahawakan ko rin.
KAPIT LANG!
Sapagkat gagawin ko ang lahat upang sa altar ang tuloy natin.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon