Ngayon at sa Bagong Taon (2021)

153 1 0
                                    

Kasalukuyang taon ay di pa lumilipas,
Gayunpaman, malapit na bilang na lang ang oras.
Masalimuot man ang taon, tumingin na lang tayo sa mga positibong rason,
Maaaring nangyari, daan upang matuto sa mga leksyon.

Isang sakit ang kumalat,
Halos nawalan ng komunikasyon ang lahat.
Maraming buhay ang nawala,
Dahil sa 'di pakikinig at pag-unawa.

Mga mamamayan ay nagtalo-talo,
Dahil sa mga desisyon ng gobyerno.
Iba't ibang hilig ay pinagkumpara,
Bawat grupo ay may debate pa.

Karumal-dumal na krimen ang harapang nangyari,
Buong lipunan ay saksi,
Gayunpaman 'di pa rin ito sapat na ebidensya,
Nasaan ang tinatawag nilang hustisya?

Sa pagsapit ng Bagong Taon,
Ano ba ang iyong Resolusyon?
Nawa'y iyong isagawa,
Huwag puro paskil lang at salita.
Nawa'y di lang sa saktong alas-dose maging masaya,
Sa susunod na buong taon din sana.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon