Hanggang Kailan Mangungulila Tinta?

30 0 0
                                    

Wala raw maisip, dahil walang inspirasiyon,
Puso'y nabihag sa dako-paroon.
Gustuhin mang magsulat ay 'di magawa,
Tinta'y nauubos ng walang nabubuong tula.

Kailangan pa ba ng kaniyang presensiya,
Upang maipagpatuloy ang iyong karera?
Wala na bang paraan, upang tumakbo ang isipan,
O, baka naman ika'y nagtatamad-tamaran?

'Lagi mong 'sinisigaw na ika'y may pangarap,
Ngunit bakit hanggang ngayo'y wala parin sa 'yong harapan?
Ang dami mo nang nasimulan,
Ngunit hanggang ngayo'y wala paring katapusan.

Sa tuwi-tuwina'y mayroon kang ideya,
Ngunit hanggang ngayo'y naghihintay ang panulat na may tinta.
Sabik na siya'y iyong gamitin,
Nangungulila sa papel na tatahakin.

Bakit 'di mo palawigin ang iyong talento,'Wag mong sayangin at ibato.
Gamitin mo ito at 'wag itapon,
Sapagkat, ito'y biyaya ng ating Panginoon.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon