NAG-IISA

48 0 0
                                    

Sino ang makakalimot sa isang tulad mo,
Isang taong walang inisip kun'di ang makabubuti sa ibang tao.
Sakabila ng napakagandang karera,
Pagtulong ay ginawa mo pa sa likod ng camera.
Minahal ka ng lahat 'di lang dahil sa anyo mong pisikal,
Higit na dahilan ay ang puso mong bukal.

Hindi ka perpekto,
'Di nabiyayaan ng pagsayaw at pagkantang talento.
Sa kabila ng 'yon, isa ka namang aktor at modelo na minamahal hanggang ngayon ng mga tao.
Hindi naman nakakapagtaka dahil sa iyong karisma,
Dumagdag ang mabuting kaloobang 'di mapapantayan nila.

Maraming salamat sa iyong alaala,
Nagpapangiti sa labi ng milyon-milyon mong talaga-hanga.
Sa iyong kakulitan na pinanonood sa social media,
Ang mga millenials ay nahahawa,
Na noo'y nagtatanong kung sino ka.

WHATTAMEN, isa ka inspirasyon,
Hindi GIMIK ang iyong reputasyon,
KAYTAGAL KANG HININTAY ng madla,
Maging AMA, INA, ANAK o MADRASTA.
Lahat nag-FLAMES sumubok na tumugma sa 'yong pangalan, nadala sa RADIO ROMANCE.
Maligayang Kaarawan, MULA SA PUSO namin nina MARA, CLARA AT EZPERANZA.
DAHIL MAHAL NA MAHAL KITA/namin 'di ka namin makakalimutan kahit SA DULO NG WALANG HANGGANG.
PAANO ANG PUSO KO kung 'di ka dumating
GOT 2 BELEIVE ikaw ay nag-iisa,
Hindi maihahalintulad sa mga artista sa MTB at SANG LINGGO nAPO SILA.
SAAN KAMAN NAROROON alam naming ika'y maligaya na sa piling NIYA.


Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon