Ano ba ang ating nais pagkatapos ng matinding hinagpis?
Lalo na't ang panahon at oras ay ka'y bilis?
Hindi pa natatapos ang saya,
Mauudlot agad patungong ligaya.Tanggapin natin na may liwanag ang buhay,
Gayunpaman mayroon din itong dilim na kulay.
Sa umaga'y sisikat ang araw,
Sa gabi'y may buwang lilitaw.Ang Diyos ay patas, sa lahat ng antas,
Sa pamilya, kaibigan, karelasyon dapat ang pag-ibig ay patas.Huwag kaligayahan lang ang naisin,
Matuto tayong gumalang, huwag magpapansin.
Hindi lang nag-iisa ang nilalang sa mundo,
Ang Diyos ang magtatakda kung kailan liligaya ang ating puso,
Sumabay lang tayo sa agos ng buhay,
At sa mga taong naglalakbay.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading