Dumating ka sa buhay ko noong panahong ako'y talo,
Lugmok sa bigat ng mga problema ng sariling mundo,
Noong ako'y lumuluha at wari'y wala nang pag-asa,
Lumapit ka't 'pinaramdam mong 'di ako nag-iisa.Sinubukan kong tapatan yari mong pagkalinga,
Mga bagay na higit sa 'di kaya at wala.
Ginawa ko ang lahat,
Ngunit para sa 'yo ay 'di sapat.Lagi kong sinasabi...
"Ang ako ay ako,
'Di ko man matapatan, lahat ng mga nagawa mo,
Hindi ibig sabihing, 'di ka mahalaga sa buhay ko."Gayunpaman, ni minsa'y 'di ka nakinig,
'Pinaglaban mo ang baluktot mong tinig.
Ang dating malambing na pagsasalitang, sa aki'y nagpapakalma,
Ngayo'y nagiging dahilan ng sakit na aking nadarama.Kung alam mo lang kung gaano ka kahalaga,
Siguro'y 'di mo maiisip na sa aki'y wala ka.
Kung naging maayos lang ang ating samahan,
Sana ngayon ay kinaiinggitan ang ating pagkakaibigan.Hinahanap-hanap ko ang dating tayo,
Kung may pangalawang pagkakataon para sa akin at sa 'yo,
Nawa'y maging maayos at 'di ganito,
Sapagkat ang lahat ng mga nangyari'y pinagsisisihan ko.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading