Mahal Kong Guro

0 0 0
                                    

Titolo: Mahal Kong Guro
Tema: Guro
Isinulat ni: Dheekhaye Borja
Hiling ni: Angel Remonoque

Aking kaalama'y sa 'yo ko natutunan,
Hindi man ganoon katalino'y 'di nila malalamangan,
Sapagkat, bawat kilos ko'y aking pinag-iisipan,
Upang 'di masaktan sa anumang larangan.

Ikaw ang aking pangalawang ina,
Ipinaramdam mo sa akin ang pagmamahal, sa pamamagitan ng mga letra.
Bawat laman ng libro'y ipinaiintindi mo,
Nagtiyaga ka sa amin ng mga kaklase ko.
Kahanga-hanga ka sa angkin mong sipag,
Hindi alintana ang pagod, buong maghapo't magdamag.

Lumipas man ang panahon at tayo'y nagkalayo,
Hindi mo pa rin ako nakalimutan, noong sa social media'y nagtagpo.
Naging lehitimong kaibigan,
Kapag may problema'y natatakbuhan.

O, aking guro lubos ang pasasalamat ko,
Sa iyong pagmamahal at sakriposyo. Mga katulad mo'y bayani, 'di man maipagpatayo ng rebulto,
Hindi sapat ang salitang SALAMAT para sa inyo.
Dalangin ko sa Maykapal, kayo/ika'y gabayan,
Mabigyan ng lakas sa bawat araw, upang ang pagod ay malabanan.
Ikaw/kayo ang inspirasyon ko,
Upang masabayan ko ang mapaglarong ikot ng mundo.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon