Pusong Bata Pa Rin
ni: Dheekhaye BorjaRequested by: Cristine Loterte
Nagmahal ako nang ka'y aga,
Umibig sa isang binatang kahanga-hanga.
Tuwing nangiti ang kaniyang labi,
Mata ko'y nagniningning, di magawang ngumisi.
Matangos ang ilong at singkit ang mata,
Di naman turista, lalong di naman artista.Di nagtagal nabigyan niya ako ng pansin,
Lagi kaming magkausap sa canteen,
Sa kaniyang mga gamit, ako ang may bitbit,
Yurakan man ang aking pagkatao, di ako nagagalit."Di ka ba naaawa sa sarili mo?"
Minsan nabanggit niya ang mga salitang ito.
Sinagot ko naman siya ng ganito,
"Bakit ano bang masama mahal naman kita, handa akong maghintay hanggang maging tayo."
"Sumuko ka na di kita kayang mahalin, ayoko sa isip-iba't nagpapaka-t*nga."
Ka'y sakit marinig para akong lulubog sa lupa.Nagpakalayo ako at pinilit siyang kalimutan,
Naghanap ng pagmamahal at sa aki'y nangangailangan.
Ngunit ako'y nabigo kahit sino di siya matapatan.
Maraming nanligaw ngunit wala akong napagbigyan.Isang araw, kami muli'y nagkita,
Puso ko'y nabigyan ng pag-asa.
Naisip ko, "Di kaya siya ang aking tadhana?"
Sa pagkikita naming muli sino ang mag-aakala?
Tulad sa mga teleserye posibleng kami ang magkakatuluyan,
Handa akong muling magpaka-t*nga hanggang sa kami'y humantong sa walang-hanggan.#ChallengeMe
#ImBackWritingIndustry
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading