Muntawi

11 1 0
                                    

Ang musika'y isang sining na maaari nating masandalan,
Tumutulong sa pagpukaw sa hapding ating nararamdaman,
Bukod sa ating mga kaibigan ito'y ating maaasahan,
Ang himig ng bawat nota sa damdami'y nakakagaan.

Kapag sa bawat saliw ng imahinasyon mo'y pinaglalaruan,
Baka may itinuturong leksyon ang 'yong nakaraan.
Kung magaan ang mensahe ng kanta,
Hindi ibig sabihin na wala itong kwenta.
Makakatulong ito sa pagpawi ng sakit,
Lalo na kung nakakaaliw ang isang awit.

Hindi Munting maituturing ang isang
Awitin,
Sapagkat may malaking parte ito sa buhay natin.
Huwag mamaliitin bagkos ay bigyang pansin,
Kung 'di mo hilig subukan mong gamitin.
Salamat sa mga musikero,
Kahanga-hanga ang inyong talento.


Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon