Katapat ng Pusong Sawi

46 0 0
                                    

Tuwing naaalala mo ang masalimot mong nakaraan,
Nariyan sila upang luha mo'y punasan.
Mga balikat ay laging handa,
Sapagkat alam nilang bukas-makalawa, ikaw na nama'y ngangawa.

Bakit ba kailangan pang balikan ang kahapon?
Nariyan naman ang ngayon.Payo nila'y "May bukas pa,
Huwag kang mawawalan ng pag-asa."

Hindi sila napapagod sa pakikinig sa mga kuwentong paulit-ulit,
Ang hinihintay nila, labi mo ang mangawit.
Kaya kang intindihin kahit masahol ka pa sa bata,
Hindi nakikinig, kung anu-anong ginagawa.

Nandiyan sila upang umunawa,
Lalong-lalo na sa tulad mong may hapding-sariwa.
Ginagawa ang lahat upang ikaw ay ngumiti,
Hindi nila kayang may pusong sawi.

Ginagamit nila ang kanilang talino para sa kapakanan mo,
Magpapayo kahit 'di sigurado.
Batid nilang kailangan mo sila,
Kaya naman hindi sila sumusuko hanggang sa ika'y lumigaya.

Magpasalamat ka't may mga manunulat,
Na handang tumulong sa mga pusong salat.
Para sa pasaway na katulad mo,
Isang panulat at papel ang itatapat nila sa 'yo.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon