Noong madilim na nakaraa'y walang pagsidlan,
Nakilala kita't ako'y inalalayan,
Sa kaliwa't kanan ko'y ikaw ang karamay,
Sa mga kuwento ko, hindi ka nauumay.Nagpakita ka ng kakaibang karakter,
Pinangalanan pa kitang, "Jasper."
Ginawang inspirasyon sa mga kuwento at tula,
Sapagkat akala ko, sa buhay ko'y hindi ka magiging bula.Ngunit, naglaro ang tadhanan ng kahapon,
Kinailangang mawalan tayo ng komunikasyon.
Pero mga alaala mo'y tumatak sa puso ko,
Lalo na ang makukulit na biro mo.
Akala nga nila tayo'y naging isa,
Pero ang 'di nila alam, higit pa tayo sa dalawa.
Away rito, away roon, parang aso't pusa
Dinaig pa ang mga bata.Dumating ang panahon nagkita tayong muli,
Ang tanging nag-usap ay mga ngiti.
Salamat sa makabagong teknolohiya,
Pagkakaibigan nati'y nagkaroon muli ng pag-asa.Kaya lang, ang laki ng iyong pinagbago,
Dahil ba ito sa tagumpay mo?
Matagal na nila akong binalaan,
Ngunit 'di ko sila pinakinggan.
Sa halip pinagtanggol pa kita,
May oras pa nga na halos awayin ko na sila.Tapos ngayon sa kaunting 'di pagkakaintindihan,
Mga salita mo'y hindi ko alam kung kanino mo natutunan.
Alam mo naman ang ugali ko,
Sa kaunting salita mo tumutulo ang luha ko.
Ngunit, nagawa mong bigkasin,
Hindi mo isinaalang-alang ang aking damdamin.
Nasaan na ang kaibigan ko?
O, baka naman lumabas na tunay na ugali mo.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading