Nararapat

16 0 0
                                    

Sa panahong ito kung kailan marami ang nasasawi,
Sa bawat araw na may labing nangiwi,
Mas kailangan natin ang tulong Niya,
Ang Natatanging nagbibigay ng pag-asa.
Tayo'y magpakumbaba at taimtim na manalangin,
Upang matapos na ang problemang nakabinbin.

May natatanging araw, upang ating patunayan,
Na tayo'y karapat-dapat sa kapatawaran.
Ating gunitain ang panahon ng Kuwaresma ng buong puso,
Sapagkat ito'y araw na para sa Kaniya,
Hindi ang manabik sa panahong walang pasok,
At paglangoy nang mapusok.

Ating gawin ang pag-aayuno,
Sa araw na nakalaan dito.
Ilang araw lamang na 'di pag-inom at pagkain,
Kumpara sa araw na sa krus Siya'y itinanim,
Humiling pa Siya na tayo'y patawain.
Mga salitang 'di natin dapat baliwalain.
Anuman ang ating relihiyon,
Ating gawin ito ng buong puso.
Sapagkat isa ito sa paraan,
Upang ang hirap Niya'y ating maramdaman.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon