Espesyal na Araw ay Ibalik

132 0 0
                                    

Noon ang Araw ng mga Puso'y espesyal,
Ipinagdiriwang ng mga magkakasintahan ng may dangal.
Mga nakapaskil sa social media'y matatamis na salita,
Mga nakakainggit na larawa'y sadyang nakakatuwa.
Ka'y sarap basahin ng mga tula,
Sapagkat ramdam na umiibig ang may gawa.

Sa kasalukuyan ano na nangyayari?
Karamihan sa mga nakapaskil na mensahe, ang laman ay sari-sari.
Walang kahulugan ang mga salita,
May bahid pa ng pait ang bawat talata.
Kung noo'y sabik ang mga tao sa buwan ng Pebrero,
Ngayo'y balewala na't parang dinaanan ng bagyo.

Sinasabi ng karamihan, WALANG FOREVER,
Hinagpis lang daw, EVER AFTER.

Kapag may ngiti, asahan nating may hikbi,
Kung tayo'y iibig ihanda natin ang ating labi.
Gayunpaman, isa lang itong pagsubok
Paraan upang patatagin ang bawat relasyon,
At bigyang buhay ang pusong tumitibok.
Magpasalamat tayo kapag ito'y nalampasan,
Sapagkat mayroon itong aral na iniwan.

Isa pa ang Araw ng mga Puso'y di lang para sa magkakasintahan,
Ang salitang PAG-IBIG ay di lang para sa lalake't babaeng naglalandian.
Hindi ba't inyo ring minamahal ang inyong pamilya?
Ang inyong mga kaibigan, at Maykapal,
Higit sa lahat ang inyong sarili kaya't hindi kayo nag-iisa.

Kaya't burahin na natin ang maling paniniwala.
Subukan nating magdiwang.
Ibalik natin ang Espesyal na Araw ng Pag-ibig.
Kasama ang mga Mahal natin sa buhay,
Kalimutan na natin, kung sinuman siya na nagbigay sa atin ng lumbay.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon