Kapag tayo'y umiibig 'di maiiwasan ang masaktan,
Hindi mabubuo ang puso kung 'di minsa'y nasugatan,
Gayunpaman sa bawat patak ng luha,
May panibagong umaga,
May darating na tulong,
Upang tayo'y muling umusbong.Kapag ang problema ay tungkol sa pamilya,
May solusyon kailangan lang nating makita,
Gamitin ang mga mata, huwag magbulag-bulagan,
Sa tahana'y may ilaw at haligi kang masasandalan.Pagmamahal sa sarili'y napakahalaga,
Kapag ito ang nasira'y paano ka na?
Kapag niyurakan ang 'yong pagtao'y lumaban ka,
Huwag kang paaapi lalo na kung nasa tama ka.May mga kaibigan kang matatakbuhan,
Kapag ang pag-ibig, ating pinag-uusapan,
Pamilya mo'y di ka iiwan,
Lagi silang nariyan di ka pababayaan.Kapag sarili mo ay 'yong binalewala,
Pagkatao ma na'y dinudurog 'di ka pa nagsasalita,
Anong mangyayari kung wala kang gagawin?
Walang kasingsakit kung sarili mo ay 'yong kalalabanin,
Kung 'di masabi sa iba, nariyan naman Siya,
Naghihintay sa tawag mo, ibulong mo sa Kaniya.
May puso't isip ka, iyong paganahin,
Hindi 'yong puro ka iyak sa harap ng salamin.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading