Titulo: Nanonood na Diyos
Tema : Divorce
Isinulat ni: Dheekhaye Borja
Hiling ni: Mystogan ScarletKuwento ng pamilyang sa altar sinimulan,
Saksi ang Panginoon sa bawat salitang binitawan,
Matatamis na salita, mula sa kanilang puso,
Na hango sa kanilang pagsuyo.Nagkaroon ng bungang palalakihin nila,
Bibigyan nang magandang kinabukasan, mabutas man ang bulsa.
Pawis ay 'di iindahin, pagod ay titiisin,
Para sa mga anak, lahat ay kakayaning gawin.Ngunit, pagsubok ay 'di mawawala,
Sapagkat, ito ang paraan ng Diyos upang tayo'y makatayo ng kusa.
Siya ang ating Ama na nagbibigay ng aral,
Upang tayo'y magkaroon na buhay na marangal.Pagkakamali sa isang pagsubok,
Nang dahil sa katawang mapusok,
Buhay ng mga anak ang apektado,
Pinangakong kinabukasa'y napako.Walang ibibigay ang Panginoon na 'di natin kayang solusyonan,
Magkamali man nang dahil sa karupukan,
Huwag basta-bastang magdesisyon ng hiwalayan,
Maaari pang maayos, maging butas ay malaki man.
Puwede namang magpatawaraan,
Kaysa araw-araw ay magsigawan.
Balikan ang mga salitang binigkas sa simbahan,
Butas ay kayang tagpian kung tunay ang pagmamahalan.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoesiaNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading