TAKOT ang nangingibabaw kapag ika'y lubos na nasaktan,
Lalo na kung sa larangan ng PAG-IBIG ang pinag-uusapan.
Kahit gaano ka KALAKAS at KATAPANG,
MANGHIHINA ka't MATITIBAG sa panghihinayang.Nang dahil sa mga karanasang nalimbag,
Di maiiwasang maging DUWAG,
Sanhi ng LUHANG animo'y nagmula sa BAGYO,
At KIROT sa PUSONG litong-lito.
Naging MARUPOK ka sa 'yong desisyo't nagkamali,
Ngayon NASISISI sa pagkasawi.Gayunpaman, buhay ay sadyang ganiyan,
Kailangan mong MADAPA upang may MATUTUHAN,
Sapagkat walang PERPEKTO rito sa mundo,
Kung di ka MASASAKTAN, di ka MATUTUTO.Subukan mong BUMANGON para sa isa pang pagkakataon,
SUMUGAL ka't LABANAN ang pag-aalinlangan, nakaraa'y ibaon.
Walang masama kung paulit-ulit kang madadapa,
IPAGDASAL mo lang na sa huli'y tama ang 'yong magiging TAYA.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading