Mga salitang binibitawan nawa'y panindigan,
Mga taong sinabiha'y umaasa sa iyong nabitawan.
Nagningning ang mga mata't sila'y sumaya,
Nang ang mga nakasulat ay kanilang nabasa.Mga nakakabihag sa paninging mga alok,
Nilagyan pa nang nakakasabik na lahok,
Naglagay ng mga matitinik na labang-mapupusok,
Pakiramdam nila tuloy walang bahid ng dagok.Patas silang lumaban sa paligsahan,
Dala ang mga sandata't kagitingan.
Nagbaon pa sila ng mga inspirasyon,
Upang sa huli hindi makaramdam ng desperasyon.Nagtagumpay!
Sabik na sabik na makamit ang noo'y naipangako,
Ngunit nalugmok, sapagkat ito'y napako.
Walang ibang nagawa kun'di tanggapin ang kanilang sinapit,
Kaysa ang mga dahilan ay ipilit.Bakit ganoon?
Nasaan ang salita ninyo noon?
Mayroon nito, mayroon noon...
Ngunit nasaan po ngayon?
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading