Tunay na Makata

208 1 0
                                    

Pagiging makata'y 'di pinag-aaralan,
Ito'y talentong nagmula kung sa'n man.
Inspiras'yong nabuo sa bawat akda,
Mapaglarong imahinas'yon ang lumikha.

Nais magsulat ngunit walang maisip,
Hindi kayang kontrolin --- parang panaginip.
Tintang-panulat, gustong gamitin,
Nang may maipaskil at siya'y purihin.

Makata sa kanilang paningin,
Sa maling kilos mo --- titulo'y 'di maaangkin.
Patunayang karapatdapat na maging manunulat,
Huwag sa paraang --- akda'y ikinakalat.

Magkakatugmang salita,
Sa ipinagmamalaking tula.
Matatawag lang na likha ng isang makata,
Kung may napapaloob na inspiras'yon sa bawa't diwa.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon