Kay rami ng katanungang sa isip ko'y naglalaro,
Bakit ang tadhana'y sadyang mapagbiro?
Anuman ang gawin upang ika'y malayo sa akin,
Bakit tila ang mundo ko'y iyong nang naangkin?
Tuwi-tuwina'y imahe mo ang nais kong masilayan,
Kumukumpleto sa araw ko't daan upang pagod ko'y maibsan.
Ngiti sa 'yong labi'y nakakapanghalina,
Sa matamlay kong buhay ay nagbibigay saya.Taon na ang lumipas mula noong tayo'y nagkalayo,
Ngunit damdamin ko para sa 'yo di pa rin huminto.Lahat na'y ginawa upang ika'y makalimutan,
Di ko magawa, tila puso ko'y lumalaban.
Ayaw magpatalo sa mahina kong isipan,
Kumokontra tuwing negatibo ang payo ng aking mga kaibigan.
Hindi biro ang sitwasyon, ako'y nahihirapan,
Kay hirap kapag puso na ang pinag-uusapan.Nais ko nang maging masaya, kahit sa piling nang iba,
Ngunit...
Paano?
Saan?
Ano?
Kailan?
Sino?
Bakit nakakalito, ikaw kaya ang sa aki'y NAKALAAN?
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading