Tumulong sa kapwa,
Utos ng kan'yang ina.
Mamahagi nang nalalaman,
Turo sa paaralan.Magsulat sa tema na kabutihan,
Patakaran sa panitikan.
Mag-ingat sa mga salita,
Baka masipa sa grupong kanilang ginawa.Kung walang nag-utos,
Hindi mo ba gagawin?
Kung walang nagturo,
Hindi mo ba maiisip?Kung walang temang kabutihan,
Paano mo ilalathala?
Kung walang patakaran,
Paano ka magsasalita?Kailangan bang sabihin bago mo gawin?
Wala ka bang isip at damdamin?
Kailangan bang marinig bago mo sundin?
Hindi ba maaaring puso'y kausapin?
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading