Tuwing kailangan n'yo ay 'di nagdadal'wang-isip,
Tulungan ko kayo kahit sa aking panaginip.
Sa bawat dasal ko'y 'di kayo nawawala,
Parte kayo sa lahat ng aking ginagawa,
Mapa tula man o kuwento'y may parte kayo,
Sapagkat ang aking buhay ay nagmula sa inyo."Huwag gagawin sa iba ang ginagawa nila sa iyo,"
Tamang kasabihang nararapat sa inyo.
"Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tipay,"
Iyan naman ang kasabihang,
Lagi kong kaagapay.Nakikita n'yo, lahat ng aking tagumpay,
Ngunit bakit 'di ko maramdamang nandiyan kayo't nakaalalay.
Halos ipagduldulan ko na ang aking mga sertipiko,
Halos ibigay ko na nang libre ang aking mga libro,
Mas marami ang 'di pumapansin, ano ba ako sa inyo?Natatakot ako sa mga malalaking oportunidad,
Lalo kung dahil doon kamay ninyo'y, ilalahad.
Natatakot akong bumulaga ang katotohan,
Na noon pa ma'y aking nang nararamdaman.Kapag sikat na sikat na saka papansinin,
Maaari nang ipagmalaki, "siya'y kapamilya namin."
Kailangan pang patunayan muna na ako'y matalino,
Hindi bagay sa kanila ang isang bobo.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading