Sa haba ng panahon na ang bakterya'y lumalagap,
Samu't saring solusyon, wala paring mahanap,
Ang pagtatapos ng pandemiya,
Mayroon pa bang pag-asa?
Kung sa pagsunod sa mga panuto,
Gobyerno'y nabibigo.Ang balita ngayo'y puro negatibo,
Ni wala nang marinig, mapanood at mabasang positibo.
Hanggang kailan tayo magdurusa?
Sa parusa na 'di naman tayong lahat ang may sala?Kung bubuksan lamang natin ang ating isipan,
At iintindihin ang paliwanag na kinakailangan,
Itong problema'y masosolusyonan,
Lalo na kung sa Maykapal tayo'y lalapit at hihingi ng kapatawaran.Kung tayo'y hahalik sa liwanag, habang tayo'y lumalaban,
Walang imposible, mababago ang ating kapalaran.
Basa't magkapit-kamay lamang,
walang bitawan,
Upang ang solusyon sa pandemya'y mabigyang katarungan.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading