Bulag-bulahan

2 0 0
                                    

Titulo: Martir
Tema: Martir
Isinulat ni: Dheekhaye Borja
Hiling ni: Ar Lene

Ang umibig ay 'di mo maiiwasan,
Hindi ka magwawagi kahit 'yong labanan,
Kahit masugatan nang paulit-ulit,
Lahat ay gagawin, pag-asa'y 'di mawawaglit.

Kahit nasasaktan sa mga sinasabing niyang salita,
Pinapahid mo na lang pumapatak mong luha.
Hindi nagpapaapekto gaano man kalaki ang sugat,
Nagpapakatatag at sa Panginoo'y nagpapasalamat.
Itinatatak sa mapaglarong isipan,
Na lahat nang nangyayari'y mayroong dahilan.

Bakit kailangang magbulag-bulagan?
Bakit kailangang magbingi-bingihan?
Daig mo pa ang may kapansanan,
Para lang sa taong bukas-makalawa'y kaya kang iiwanan.

Kay raming nilalang dito sa mundo,
Napakaraming maaaring pumalit sa minamahal mong tao.
Bakit 'di mo imulat ang iyong mata?
Sa paligid ay tumingin ka.
Baka tadhana mo'y 'di sa kaniya,
Subukan mong tumingin sa iba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon