Noong una kitang nakita,
Ang puso ko'y nabihag mo na,
Hindi ko alam kung paano,
Ngunit hindi na mahalaga,
Ang hiling ko lang, nawa'y ika'y makilala.Hindi naman ako nabigo,
Pareho palang tumibok ang ating puso,
Salamat kay kupido,
Buong-buo ang aking mudo,
Wala na akong mahihiling pa,
Nariyan siya't karamay ko sa aking lungkot at saya.Hindi ko kakayanin kapag siya'y mamawala,
Guguho ang mundo ko't mawawalan ng paksa.
Sapagkat, siya ang laman ng kuwento ng aking buhay,
Binuo ko na ito mula pa noong una't binigyan ng saysay.Ngunit mapaglaro ang tadhana,
Bigla na lang siyang nawala...Ang hirap magmahal nang dahil lang kay kupido,
Pabigla-bigla nagbase lang sa puso,
Mas mainam kung kinikilala pala muna,
Bago ibigay ang buong tiwala.Huwag puro imahinasyon sa hinaharap,
Huwag magbase sa alapaap,
Kailangang gamitin din ang isipan,
Upang di sobrang sakit kapag nasaktan.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading