Pag-ibig na Sinayang

2 0 0
                                    

Ano ang mali sa pag-iibigan?
Halos perpekto ang naging samahan.
Naging tapat sa isa't isa, buo na ang pangarap,
Planado na ang hinaharap.
Ngunit sadyang kumplikado,
Buhay sa ating mundo.
Imposibleng walang pagsubok
Bago magtagumpay ang isang tao.

Maging matapang lang at maniwala,
Huwag bibitaw mayroong tadhana.
Kung iyong nadarama na siya na talaga,
Ipaglaban mo huwag maging mahina.
Sinusubukan lang kayo para sa Walang-Hanggan,
Upang mas tumatag pa hanggang sa Katapusan.

Pag-ibig ay huwag sasayangin ng dahil lang sa takot,
Kung magpapakaduwag ka, wala kang maaabot.
Puso mo ang magdidikta gabay ay isip mo.
Kapit lang upang di malaglag, nariyan si kupido.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon