Sa kasalukuyan gawain ko'y bultuhan,
Gayunpaman, pangako 'di kita kalilimutan.
Oras ko ma'y nahahati, sa 'yo ako'y babawi,
Hindi ko hahayaang mauwi lahat sa pighati.Kay rami ng mga bagay na kailangang pag-ukulan ng pansin,
Gayunpaman, puso ko'y nasa sa 'yo pa rin.
Ayokong isipin mong mas mahalaga sila,
Sapagkat sa iyong piling ako mas masaya.Nawa'y 'di ka sa aki'y nagtatampo,
Lagi man akong galit, puso ko pa rin ay sa iyo.
Malayo man tayo sa isa't isa pagmamahalan na ma'y kakaiba,
Pagtatagal natin sinong mag-aakala?Mahal na mahal kita lagi mo yang pakatatandaan,
Di kita kayang ipagpalit kahit kanino man.
Ang isang katulad mo'y isang kayamanan,
Di ko hahayaang manakaw ng kung sinuman.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading