Ang buhay ng tao'y maikli lamang,
Ipinahiram ng Maykapal, upang tayo'y makinabang.
Inilagay sa mundong kanyang nilikha,
Upang tayo ang mangalaga.
Punan natin ng saya yaring kalikasan,
Sapagkat tayo'y kanilang kailangan.May tinatawag na PAGKAKAIBIGAN,
Kaya't itigil na ang gera ng bawat bayan.
Maging kuntento sa iyong bansa at bayan,
Tingnan mo ang paligid at madidiskubre mo ang kanyang yaman.
Sapagkat lahat ay pantay-pantay,
Mata mo'y imulat, ganda ng sa inyo'y ibinigay.Habang tayo'y naglalakbay,
Ngumiti tayo ng sabay-sabay.
Huwag kang mang-iiwan,
Sama-sama tayo sa laban.
Sapagkat bukas-makalawa ang hiram ay babawiin din,
Gayunpaman, magpasalamat tayo't ang mabuhay ay naranasan natin.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading