Ang alam ko'y nakalimutan na kita,
Sapagkat iyon ang nais ng puso kong noo'y umaasa.
Ginawa ko ang lahat, upang ako'y magtagumpay,
Nilinis ang mga alaalang noon sa aki'y umagapay.Sumabay ako sa agos ng kasalukuyan,
Pinalitan ng ngiti ang pighati ng nakaraan.
Naging madali, dahil may karamay na sumisinta,
Sa kaniya ko naramdaman ang walang patid na saya.Ngunit sa aking panaginip lagi kang bumibisita,
Doo'y tinutupad ang pangarap na tayo'y naging iisa.
Sa oras ng aking pagmulat ang baon ko'y matamis mong ngiti,
Na siyang nagmumula sa mapula mong labi.Tuwing ako'y babalik sa totoong mundo,
'Di ko na magawang isigaw ni pangalan mo.
Sapagkat ayoko!
Diyan ka na lang sa panaginip ko.Tama na ang kahibangan nakakapagod ang umasa,
Pagbali-baligtarin man ang mundo'y wala tayong pag-asa.
Ang hirap umibig sa hindi mo katadhana,
Ganiyan talaga ang buhay, wala na tayong magagawa.Hawak ko ang iyong larawang alaala ng ating nakaraan,
Alam kong mali, sapagkat lalo lang akong nasasaktan.
Tuwing iniisip ko ang hinaharap,
Ang aking nakikita'y isa ka lang talagang pangarap.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading