Hilom
ni: Dheekhaye BorjaRequested by: Tonn Villeza Marco I
Mga masasayang karanasan,
Ang gumagamot sa sugat ng kabiguan.
Hindi makukumpleto ang buhay na makahulugan,
Kung pagkakadapa'y di mararanasan.
Matutong umiyak upang lumakas,
Sa bawat pagsubok 'di ka makakatakas.Kung masugatan ka ng dahil sa pag-ibig,
May ilan pang pagkakataon sa Diyos ika'y manalig.
Sa bawat pagpatak yaring mga luha,
Siguradong may leksyon na makukuha.Sa pagkakabigo sa laro ng buhay,
Tandaan mayroon tayong kaagapay.
Huwag tayong susuko kahit gaano man ito kasakit.
Lahat ay may dahilan at may kapalit.Kalimutan ang nakaraan at magsimulang muli,
Humayo ka't taas-noong ngumiti, mundo ang saksi.
Sumabay lang sa agos ng buhay,
Maging positibo hanggang sa huling pagratay.#ChallengeMe
#ImBackWritingIndustry
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading