Nalusaw na Pag-ibig
ni: Dheekhaye BorjaRequested by: Tinta't Papel
Nang ika'y nakilala puso ko'y nabihag mo na,
Napunan mo ng pagmamahal ang aking pag-iisa.
Di ka mawaglit sa aking isipan,
Bawat segundo, di kita mapakawalan.Tayo'y nagmahalan,
Ka'y tamis ng ating samahan.
Bawat sandali ay puno ng ngiti,
Nang dahil sa 'yo nakalimutan ko ang aking pagkasawi.
Paghahawak-kamay walang makapaghiwalay,
Sa buhay ko ikaw ang nagbigay ng saysay.
Walang duda ikaw ang aking tadhana,
Salamat kay kupido, puso nati'y kaniyang pinana.Lumipas ang panahon ang masayang pagsasama,
Biglang nagkalamat mga pangako mo'y nawalan ng pag-asa.
Di ko mawari, ano ba ang aking nagawa?
Bakit parang sa akin, ikaw na'y nagsasawa?Ang ating Walang-Hanggan ay humantong sa katapusan,
Ka'y hirap tanggapin ngunit kailangan.
Bukas-makalawa nawa'y ako'y maalala mo pa,
Huwag kang mag-alala sa pagbabalik mo, di na ako umaasa.#ChallengeMe
#ImBackWritingIndustry
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading