Ang tula'y isang sining na hinuhubog ng mga manunulat,
Mula sa mapaglarong isipan nilang 'di salat,
Hindi lang basta talento.
Sapagkat may sangkap ng pagmamahal mula sa kanilang puso.Bawat linya'y may malalim na kahulugan,
Karaniwa'y hinuhugot sa kanilang karanasan.
Hindi lang pang-aliw ang mga tugmaan,
Mayroon din ditong matututunan.Puwede itong paglabasan ng damdamin habang nasasaktan,
Isang daan upang luha'y maibsan,
Salamat sa Panginoon sapagkat may biniyayaan yaring talento,
Na makatutulong upang lumuwag ang masikip na mundo.©dheekhaye
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading