Dheekhaye Borja
Bata pa lamang pangarap mo na’y maging pulis.
Tutol ang iyong Ina, mapanganib daw tuwing aalis.
Naisip mong tama siya, ngunit pangarap mo’y nakabigkis.
Tuwing nakakarinig ka na may nangungurakot, ika'y inis na inis.
Pinangako mo sa iyong sariling 'di mo ito gagawin, tumulo man ang iyong pawis.Dumating ang panahon, natapos rin ang kahapon.
Pinag-aaralan mo na kung paano sumalungat sa kanyon.
Tanging pangaral ng iyong Ina ang iyong naging baon.
Ang sarap sa pakiramdam na ang pangarap mo’y 'di nabaon.Natapos na ang pagsasanay, bagong mundo'y bumukas.
Sabi mo sa iyong sarili, babaguhin mo ang bukas.
Gagamitin mo ang iyong mga natutuna’t natatanging lakas.
Ipagtatanggol ang mga inaapi gamit ang pag-ibig mong wagas.Ang sarap hawakan ng baril na gagamitin sa kabutihan.
Sisipatin ang mga maysala’t mga kalaban.
Sisimulan ang iyong ipinangako para sa kinabukasan.
Gagawin ang lahat kahit 'di maging bayaning, ginagawaran.Isang araw ang iyong Ina’y gininaw.
Dinala mo sa ospital, muntik na siyang pumanaw.
Ang laki ng gastusin sa mga gamot, ang tanging makakabili’y ikaw.
Lagi kang nagdarasal ngunit ang luha’y 'di mapukaw.Hangang isang araw sa iyo’y may nag-alok.
Kapwa mo pulis, ang sarap bigyan ng suntok.
Ngunit ng makita mo ang halaga, isip mo’y halos pumutok.
Kumapit ka sa patalim, kundi’y ang iyong Ina’y sa kabaong maipapasok.Ngayon, nasa isang upuan ka na.
'Di na kailangang baril ang hawak at sinasaluduhan pa.
Tingin nila sa iyo’y ni minsan, 'di ka nadapa.
Nais mong aminin ang iyong kasalanan, ngunit 'di mo magawa.
Tanging sa Diyos ka na lang humihingi ng tawad at awa.
Sapagkat kasalukuyang delubyo sa bansa’y isa ka sa gumagawa.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading