"Larawan" -- Paalam

17 0 0
                                    

Isang larawan ang 'yong naaninag,
Katotohanan ang sa iyo'y bumihag.
Nakulong ka sa dilim -- nasaan ang liwanag?
Unos dulot ng iyong luha, sino ang makakasalag?

Masakit, ngunit kailangan mong tanggapin,
Hindi na maibabalik ang kahapon kahit iyong hilingin,
Nakapaskil na ang ibang larawan 'di mo na maaalis kahit anong 'yong gawin,
Magpaubaya ka't pumikit, sumabay na lang sa ihip ng hangin.

Mga tanong sa 'yong isipan, huwag mo nang hanapin ang sagot,
Bagkos, ngumiti ka bukas ligaya'y muli mo ring maaabot.
Huwag mong ibulong sa hangin ang 'yong puot,
Huwag mong isiwalat sa mundo sa pamamagitan ng hugot.

Gumawa ka ng paraan, upang ito'y mawaglit sa 'yong isipan,
Huwag kang magkulong sa hawla ng kalungkutan,
May pumalit man sa 'yong larawan,
Ang mahalaga'y naging bahagi siya ng 'yong nakaraan.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon