Epekto

30 0 0
                                    

Isang dagok ang kinakaharap ng bawat bansang mayaman man o naghihirap,
Isang pagsubok na dumating ng isang iglap,
Epekto nito'y nakakagulantang,
Sinapit ng mga biktima'y hindi maipagmamayabang.

Kung susumahin ay kaya namang malampasan,
Kung ang lahat ay nakikiisa't lulumalaban.
Ngunit karamiha'y pasaway,
Ayaw makipagkapit-kamay.

Puot ay nangingibabaw,
Landas na ay naliligaw,
Sapagkat sakabila ng kanilang Panalangin,
Walang pagbabago Pandemya'y nariyan pa rin.

Ang tanong, "Ano Po ba dapat naming gawin?
Sumusunod Po kami sa mga patakaran, ngunit nadadamay pa rin.
Ang mga lumalabag sa batas,
Sila itong buhay ay buo't ni walang kaltas."

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon